-- Advertisements --

Nakuha ng Phoenix Suns ang unang panalo, 120-114 laban sa Los Angeles Clippers sa pagsisimula ng Western Conference finals.

Bumida sa panalo si Devin Booker na nagtala ng 40 points, 13 rebounds at 11 assists.

Hindi napahiya ang mahigit 16,000 fans ng Suns na nanood sa kanilang homecourt sa Phoenix Suns Arena.

Nag-ambag naman ng 20 points si DeAndre Ayton habang mayroong 14 points si Mikal Bridges.

Naging malaking hamon naman sa Clippers dahil hindi pa nakapaglaro sa Game 1 si Kawhi Leonard dahil sa tinamo nitong injury.

Nasayang ang nagawang 34 points ni Paul George at 24 points ni Reggie Jackson.

Ang Game 2 ay gagawin sa Miyerkules sa teritoryo ng Phoenix.