Wala umanong direktang partisipasyon sa pagsabog sa Jolo Cathedral ang sumukong si alyas Kamah.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ibang indibidwal na kasingtunog ng pangalang ni alyas Kamah ang nasa likod ng pagsabog sa Jolo na siyang pinaghahanap na sa ngayon.

“The latest report I got is that confirmed the participation of foreign nationals, and Kamah although he has knowledge about the bombing he did not actually participate in the bombing, we are looking for another person that whose name sounds like Kamah,” pahayag ni Lorenzana.

Inihayag ng kalihim na may ikinuwento din sa kanila ang sumukong si alyas Kamah kung paano pinlano ang pagsabog sa katedral.