Sugatan ang isang journalist matapos ang pagsabog ng bomba na nakasilid sa isang sulat sa Ecuador.
Ayon sa mga mga otoridad na pinadalhan ng hindi pa nakikilalang suspek ang dalawang news television network ng sulat na mayroong laman na bomba sa Guayaquil.
Nakilala ang sugatan na journalist na si Lenin Artieda matapos na isaksak nito sa kaniyang computer ang device na natanggap.
Nagtamo ang biktima ng mga minor na sugat sa kaniyang katawan.
Sinabi ni Xavier Chango ang national head ng forensics na isang uri ng military-type explosives capsules ang natanggap ng mga biktima.
Na-detonate naman ng mga kapulisan ang isang bomba na ipinadala sa news department ng TC Television.
Dahil sa insidente ay agad na inalerto ng mga otoridad ang ibang mga media organization.