Robredo Marcos

Muling nagpaalala ang Korte Suprema sa mga abogado ni Vice President Leni Robredo at dating Sen. Bongbong Marcos na sundin ang subjudice rule sa poll protest ni Marcos laban sa pangalawang pangulo.

IMG 20191007 125742

Kasunod na rin ito ng makailang ulit nang pahayag ng tagapagsalita ng bise presidente na si Atty. Romulo Macalintal sa media at sinasabing lumamang pa ng 15,000 na boto si Robredo kay Marcos sa isinagawang recount ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Pinaalalahanan ng SC sa magkabilang kampo na mayroong kautusan ang Korte noon pa na huwag na huwag magsasalita sa media patungkol sa kaso base na rin sa ng “sub judice rule.”

Sa inilabas na statement ng kataas-taasang hukuman, binigyang diin ni SC Spokesman Atty. Brian Hosaka na dapat igalang ng kampo nina Robredo at Marcos ang utos ng Korte Suprema.

Tumanggi na rin ang Korte Suprema na magkomento pa sa mga naging pahayag ni Macalintal na tumatayong legal counsel ni VP Robredo.

IMG 20191008 111207

Ayon kay Hosaka, hindi pa niya nakikita o nababasa ang nilalaman ng report tungkol sa resulta ng revision at recount sa tatlong tinukoy na pilot provinces sa poll protest ni Marcos.

Dahdag ni Hosaka, ang mga mahistrado lamang ng SC ang may alam sa nilalaman nito dahil pawang confidential ang naturang mga impormasyon.

Nilinaw ni Hosaka na bilang tagapagsalita ng Korte Suprema, hindi siya basta-basta magsalita base sa mga haka-haka lamang.

“Mahirap po magkumento sa sinabi ni Atty. Makalintal dahil hindi ko pa po nakita o nabasa yung report tungkol sa resulta ng recount ng tatlong pilot provinces. Yung mga Justices lang po ang may alam nito dahil confidential po yan. Bilang tagapagsalita ng Korte Suprema, hindi po ako pwede magsalita base sa haka-haka o bali-balita po lamang. Gaya po ng korte, kailangan po ang aking sasabihin ay ayon sa batas at ebidensiya. Uulitin ko po yung nasabi ko kahapon, na itong kaso po sa PET ay maingat pang pinag aaralan ng ating mga Justices. Ang pinag uusapan po dito sa kasong ito ay ang pangalawang pinakamataas na pinuno ng ating bansa, at kung sino ang tunay at totoong pinili ng taong bayan na bise president na ayon sa batas. Kaya po siguro dapat lamang ay pag aralan ng mabuti at maingat ng ating mga Justices ang bawat issue at ebidensiya ng kaso. Gusto ko po ulit ipa alala sa mga parties at sa kanilang mga abugado na galangin po sana nila ang utos ng korte na wag mag kumento o magsalita sa media tungkol sa kaso ayon sa “sub judice rule.” Salamat po,” ani Hosaka.