Inalis na ng Pagasa ang lahat ng pinairal na tropical cyclone wind signals sa lahat ng lugar sa Pilipinas.
Kasunod ito nang paghina at paglayo ng dating supertyphoon Rolly na isa na lang tropical storm ngayon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 195 km sa kanluran ng Subic, Zambales.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay ng TS Rolly ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.
Samantala, nanatili naman ang babala ng Pagasa sa mga residente ng Northern Luzon dahil sa inaasahang pagtama ng tropical storm Siony.
Inaasahang magla-landfall ito sa extreme Northern Luzon sa Miyerkules o Huwebes.
Huli itong namataan sa layong 990 km sa silangan ng Northern Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.