-- Advertisements --
Pumanaw na ang bassist ng legendary Manchester band na Stone Roses na si Gary “Mani” Mounfield sa edad na 63.
Inanunsiyo ng kaniyang kapatid ang pagpanaw ni Gary subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.
Ang kaniyang “baggy’ sound sa bass ay siyang naging mahalagang tunog ng banda.
Nakasama rin siya sa ibang banda gaya ng Primal Scream noong 1996 sa loob ng 15 taon.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang singers at banda ng England.
Bago ang kaniyang paghihiwalay noong 2018 ay nagsagawa sila ng mga iba’t-ibang show sa United Kingdom.
















