-- Advertisements --

Nakamit ng England ang puwesto nito para sa inaasam na semifinals ng FIFA World Cup matapos talunin ang Norway, 2-1, sa isang dikit na quarter-final match na umabot pa sa over time.

Umabot pa sa tabla ang laro, 1-1, matapos ang 90 minutong sagupaan ng dalawang koponan. Naunang umiskor ang Norway sa ika-36 minuto nang magpakawala si Andreas Schjelderup ng isang napakagandang tira na nagbigay ng unang kalamangan sa kanilang koponan.

Pinagunahan naman ni Jude Bellingham ang England matapos magtala ng dalawang goal na nagdala sa Three Lions sa kanilang ikatlong World Cup semifinal appearance mula noong 1966.

Sa extra time, tatlong minuto pa lamang ang lumilipas nang muling sumiklab ang opensa ng England. Nagpakawala si Morgan Rogers ng isang long-range shot sa goal ng Norway.

Samantala, matapos ang kanilang makasaysayang laro haharapin ng England ang Argentina sa susunod na laban na nagtala ng 3 goal matapos talunin ang Switzerland.