-- Advertisements --

Sinabi ni House Prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na hindi awtomatikong magiging batayan sa mga susunod na impeachment proceedings ang bagong ruling sa voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Diokno, malinaw na inilapat ng impeachment court ang ruling na pro Hac Vice, o para lamang sa kasalukuyang kaso at sa mga natatanging sirkumstansya ng kasalukuyang senado.

Ipinaliwanag niya na iba ang impeachment court sa regular courts na maaaring lumikha ng judicial precedent na sinusunod sa mga kahalintulad na kaso sa ilalim ng stare decisis.

Dahil dito, sinabi ni Diokno na ang susunod na Senado na uupo bilang Impeachment Court ay maaaring magkaroon ng sariling interpretasyon batay sa membership at mga sirkumstansya ng panahong iyon.

Ang ruling noong Setyembre 22 ang nagtakda na ang two-thirds requirement para sa conviction ay ibabatay sa mga Senador na legal at aktuwal na makalalahok sa botohan, sa halip na fixed na 16 votes mula sa 24 na Senador.