-- Advertisements --
Bumagsak ang global stock markets matapos na ibunyag ni US President Donald Trump na nagpositibo ito sa coronavirus isang buwan bago ang US election.
Nagbukas ang DOW sa mababang 1.2 percent na mayroong 27,485.51 points habang ang tech-rich na Nasdaq Composit Index ay bumagsak din ng 1.7 percent sa 11,128.88.
Maging ang US crude oil ay nagkaroon din ng pagbaba ng five percent.
Naniniwala din ang mga investors na magkakaroon domino effect ang kalusugan ng US President matapos na rin na hindi naipasa ng mga mambabatas sa US ang bagong stimulus package.