-- Advertisements --

Nagbabala ang weather state bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa patuloy na pagbaha at landslide sa bahagi ng Visayas ay Mindanao habang ang Luzon ay makakaranas din ng pag-ulan.

Ayon sa PAGASA ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies o ang mainit na hangin mula sa Karagatang Pasipiko.

Patuloy nitong pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag laban sa mga flash flood o landslide na maaaring mangyari sa mga lugar na ito sa panahon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Iniulat naman ni weather specialist Grace CastaƱeda na ang northeast monsoon o ang amihan ay lalakas at magdadala ng pag-ulan sa Luzon.

Sinabi ni CastaƱeda ang amihan ay magdadala ng maulap na papawirin at mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Kalinga, Apayao, Aurora, at Quezon.

Habang dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, makakaranas ito ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan ang iiral dulot ng amihan.

Dagdag pa ng PAGASA ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies o localized thunderstorms.