LAOAG CITY – Idineklara na ang state of calamity dito sa Lungsod ng Laoag at sa bayan ng Vintar dito sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa coronavirus.

Sa Laoag City, lahat ng mga kasapi ng konseho ay pumabor sa resolusyon para sa pagdeklara ng state of calamity sa nasabing lungsod.

Ganito rin ang nangyari sa bayan ng Vintar kung saan nagkakaisang pumabor ang mga kasapi ng konseho sa nasabing hakbang.

Pareho ang dahilan ng dalawang lugar kung bakit nagdeklara sila ng state of calamity, ito ay upang magamit nila ang kanilang calamity fund.