-- Advertisements --

Pinanatili ng Malacañang ang umiiral na state of calamity sa bansa, dahil sa COVID-19.

Ito ang inanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz -Angeles nitong Lunes sa ipinatawag niyang press conference.

Aniya, ang hakbang na ito ay upang ma-preserve ang mga benepisyo sa ilalim ng state of calamity, tulad ng indemnification, emergency procurement at special risk allowance ng mga healthcare workers.

Ayon kay Secretary Angeles, posibleng palawigin ng tatlo pang buwan ang nasabing deklarasyon.

At unti- unti aniya ang gagawing transition o pag-alis ng bansa mula sa state of calamity, matapos ang mga review na isasagawa ng pamahalaan.