-- Advertisements --
Itinalaga ni French President Emmanuel Macron si Sébastien Lecornu bilang bagong Prime Minister.
Ang pagkakatalaga ni Lecomu ay matapos ang isang araw ng mapatalsik si François Bayrou noong ito ay matalo sa confidence vote.
Ang 39-anyos na si Lecornu ay siyang kaalyado ni Macron kung saan nagsilbi ito ng tatlong taon bilang armed forces ministers.
Ayon sa Elysée Palace, na binigyan ang bagong Prime Minister ng trabaho sa pagkonsulta ng political parties at ipatupad ang susunod na budget ng France.
Magugunitang hindi nagustuhan ng parliamento ang proposal ni Bayrou na 44 bilyon euros kaya nagpasya ang National Assembly ng France na patalsikin ang dating Prime Minister sa botong 364 – 194.