-- Advertisements --

Binantaan ni US President Donald Trump na papatawan niya ng mataas na taripa ang mga bansa ng hindi papanig sa kaniya na kontrolin dapat nila ang Greenland.

Dagdag pa nito na ito ang kaniyang gagawin para sa seguridad na rin ng Greenland.

Isa umanong mahalagang seguridad ng US ang Greenland dahil sa strategic location at malaking suplay ng mineral nito.

Ang Greenland ay isang semiautonomous territory ng Denmark na kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Nitong mga nagdaang araw ay nagtungo sa White House ang mga foreign ministersng Denmark at Greenland kung saan nakapulong nila sina US Vice President JD Vance at Secretary of State Marco Rubio subalit walang konkretong natapos sa plano.

Dahil dito ay naglagay ng kanilang mga sundalo sa Greenland ang ilang bansa sa Europa gaya sa France, the Netherlands, Germany, Sweden at United Kingdom.