Pinasalamatan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon si Senator Joel Villanueva sa maagang pagbubunyag ng mga umano’y iregularidad sa flood-control projects, partikular na ang mga tinaguriang ghost projects, dalawang taon na ang nakalipas.
Ayon kay Dizon, noong 2023 pa lamang ay inilantad na ni Villanueva sa Senado ang mga kahina-hinalang proyekto ng kagawaran sa Bulacan.
Ani pa ng kalihim, bagaman ang senador binabatikos at inaakusahan dahil sa mga flood-control sa Bulacan, siya na ang nagko-call out sa isyung ito.
Ibinunyag din ni Dizon na binalaan siya ng senador na marami pang hindi natutuklasang ghost projects sa lalawigan.
Sa gitna ng lumalalang imbestigasyon, tiniyak ng kagawaran na paiigtingin pa ang pagtukoy sa mga proyekto na posibleng ginawang gatasan ng pondo ng gobyerno.