-- Advertisements --

Ilang biyahe ng barko at fast craft sa Bohol, Palawan, at Bicol ang kinansela ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon bunsod ng ST Nando at sa mapanganib na kondisyon ng dagat.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), awtomatikong nakansela ang mga biyahe matapos magpatupad ng no sail policy ang Philippine Coast Guard (PCG). Maaari ring magdesisyon ang mga shipping line na huwag maglayag bilang pagsunod sa regulasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Sa Bohol, apektado ang mga biyahe papuntang Camiguin, Cebu at Siquijor. Samantala ang pantalan naman sa Palawan, kinansela naman na ang lahat ng biyahe mula at papuntang El Nido, Palawan.

Sa Bicol, hindi rin natuloy ang biyahe mula San Pascual, Masbate papuntang Pasacao, Camarines Sur at vice versa.

Kumpletong detalye ng mga kanseladong byahe:

CANCELLED SEA TRIPS DUE TO ST NANDO
(Source: PPA)

Bohol Port
Super Shuttle Ferry, Jagna–Balbago, Camiguin (6pm)
Sunriser II, Getafe–Cordova (8am, 12nn, 4pm)
Meme 08, Getafe–Hilton (12nn)
Ocean Jet 8, Getafe–Cebu (6:30pm)
Apekop 2, Tagbilaran–Larena Siquijor (2pm)

Palawan Port
MV City of Iloilo, Coron–El Nido (vice versa)
MV City of Naga, Coron–El Nido (vice versa)

Bicol Port
MV Virgen De Peñafrancia Tres Reyes, San Pascual, Masbate–Pasacao, Camarines Sur (vice versa)
MV Virgen De Peñafrancia Tres Reyes, San Pascual–San Andres (vice versa)

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na makipag-ugnayan muna sa mga shipping line bago bumiyahe, at maging handa sa posibleng dagdag na kanselasyon habang nananatili sa bansa ang bagyong Nando.