Ipinagmalaki ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na nasa 98% nang kumpleto ang konstruksyon sa New Clark City sa Capas, Tarlac na isa sa pangunahing mga venues para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay BCDA President and CEO Vince Dizon, ang natitirang dalawang porsyento ay nakalaan na lamang sa landscaping at sa finishing touches sa interiors.

Ginagamit na rin aniya ng mga track and field athletes ang Athletes’ Village at inaasahang doon na sila mananatili bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nasabing regional sports meet.

Inaasahang matatapos nang tuluyan ang konstruksyon sa New Clark City sa huling linggo ng Setyembre o sa unang linggo ng Oktubre.