-- Advertisements --

Naniniwala ang Palasyo na dahil sa pagiging masigasig ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ng kaniyang administrasyon, nararamdaman na ng ating mga kababayan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan dahilan naiiba na ang kanilang pananaw sa pagpili ng mga kandidato na tumatakbo ngayong halalan. 

Ayon kay Palace Press Officer USec. Castro nakikita na ng ating mga kababayan kung ano ang naitutulong ng pamahalaan lalo na sa pagtugon nito sa mga isyu tulad ng kagutuman at kahirapan.

Ikinalugod naman ni Pangulong Marcos ang ulat na nag-iba na ang pananaw ng ating mga kababayan sa pagpili ng kanilang ibuboto sa nalalapit na 2025 midterm elections. 

Tugon ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro matapos mabatid sa isang survey na 93% ng mga Filipino voters ang susuporta sa mga kandidato na nagtataguyod ng mas maraming oportunidad sa trabaho, pagpapalakas ng agrikultura upang dumami pa ang produksiyon ng pagkain sa bansa.  

Inihayag ni Castro na ang mga kagustuhan ng mga botante ay kanilang nakita sa mga senatoriables ng Alyansa na kinampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Sa mga naging talumpati ni Pangulong Marcos Jr sa campaign sortie kaniyang binigyang-diin na hindi tumitigil ang kaniyang administrasyon na iangat ang buhay ng ating mga kababayan na nasa laylayan.

Pinalakas din ng gobyerno ang ibat ibang programa na nagbibigay tulong sa ating mga kababayan.