BUTUAN CITY – Bumuo na ng Special Investigation Task Group o SITG ang Surigao del Sur Police Provincial Office na syang tututok sa imbestigasyon sa pagbaril-patay sa radio commentator sa may Purok 3, John Bosco District, Bislig City kahapon ng alas-8:50 ng umaga.
Matatandaang patay on-the-spot ang 63-anyos na si Erwin “Boy Pana” Segovia, ng Wow FM matapos barilin sa kanyang ulo ng riding-in-tandem suspects habang papauwi na sana mula sa kanyang live program.
Ayon kay Police Provincial Office 13 o PRO-13 spokesperson PMaj. Jennifer Ometer, on-going pa ang imbestigasyon sa insidente upang malaman ang motibo ng kremin at mapanagot ang gumawa nito kung kaya’t nagpapatuloy din ang hot pursuit operation.
Nilinaw din ng opisyal na ang pronouncement na ₱2,000,000.00 na ibibigay sa makakaturo sa kinalalagyan ngayon ng mga responsable na magresulta sa kanilang pagkahuli, ay tanging ang mga nag-o-offer lang ang magbibigay nito.