-- Advertisements --

Sumasang-ayon ang House of Representatives na ang mga confidential funds ay dapat gamitin upang itaguyod ang kapayapaan at seguridad at ang mga ito ay ibinibigay sa mga ahensya na angkop sa mga nasabing aspetong.

Ito ang inihayag ni Speaker Martin Romualdez ng hingan ito ng komento tungkol kay Vice President Sara Duterte na nagsabing ang mga kumukontra sa kumpidensyal na pondo ay laban sa kapayapaan at maituturing na mga kaaway ng bansa.

Inihayag ni Romualdez, kaisa siya sa naging pahayag ni VP Sara na ang paggamit ng confidential funds para ipromote ang peace and security sa bansa kaya binisita nito ang Pag-asa island kahapon upang tiyakin na ang peace and seurity ng bansa ay napo-portektahan.

Sa ngayon ang pinaka malaking isyu ay ang West Phl Sea lalo at nagiging agresibo ang China sa pinag-aagawang teritoryo.

Giit ni Speaker kaya nais nilang matiyak na nagagamit sa tama ang confidential at intelligence funds ng mga angkop na ahensiya at departamento.

Binigyang-linaw din ni Romualdez na walang halong pulitika ang realignment sa confidential funds ng OVP at DepEd.

Sabi ni Speaker mga ispekulasyon lamang ito at walang katotohan, bagkus mismo ang pangalawang pangulo ang nagsabi na kaniya ng ipinauubaya sa Kongreso ang desisyon na tanggalin ang Confidential at intelligence funds.

Samantala, suportado naman Marikina Rep. Stella Quimbo, na siyang vice chairperson House Committee on Appropriation, si Speaker Romualdez, at sinabing ang realignment ng P4.8 billion halaga ng confidential funds mula sa ibat ibang ahensiya sa ilalim ng proposed P5.768 trillion budget para 2024 ay matiyak ang tamang paggamit nito.

Dagdag pa ni Quimbo na kanilang sinusubukan na itama ang pag-grant ng CIF sa mga civilian agencies para maperform nila ang kanilang mandato at tapyasan, tatanggalan ang mga ahensiya na hindi talaga kailangan ng CIF.