Sinabihan ni House Speaker Martin Romualdez sa European Union (EU) business delegation na ang Pilipinas ang “best and attractive” investment destination sa mundo.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag ng makipag pulong ito sa mga representatives mula sa biggest-ever business delegation mula sa from European Union (EU).
Ang visiting EU-ASEAN Business Council (EU-ABC) ay binubuo ng kabuuang 70 delegates mula sa 36 European multinational companies.
Ang nasabing grupo ay nagpahayag ng interes na palawakin pa ang kanilang negosyo at palakasin pa ang trade relations ng EU at Pilipinas.
Nagpahayag naman ang nasabing grupo na suportahan ang Pilipinas sa ibat ibang proyekto at programa gaya sa health, agriculture, renewable energy, at transportation.
Inihayag naman ni Noel Clehane, Global Head of Regulatory & Public Policy for BDO and Board Member of EU-ABC na nakikipag ugnayan sila sa mga EU lawmakers para isulong ang free trade agreement sa pagitan ng Pilipinas.
Binigyang-diin naman ni Ruebbert, ang pagtala ng ng 7.2 percent Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas nuong fourth quarter ng 2022 ay kinilala sa mundo ng negosyo.
Napansin din nito na ang inflation ay pababa at ang peso ay stable o matatag.