-- Advertisements --

Nakatakdang makikipag-usap si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla upang talakayin ang lahat ng posibleng paraan upang masiguro ang agarang pagbabalik ni Rep. Co. 

Nangako rin si Speaker ang buong kooperasyon ng House of Representatives  sa mga awtoridad para maibalik si Co sa bansa.

Dagdag pa ni Speaker Dy na kahit wala na sa House of Representatives si Co, pagtiyak nito na pagtutulungan ito para maibalik ang dating mambabatas sa bansa para harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Giit ng Houser Leade maituturing na seryosong alegasyon ang mga ipinupukol laban kay Zaldy Co.

Dahil wala na nga sa jurisdiction ng Kamara si Co dahil nag hain na ito ng kaniyang resignation, tingin ni Speaker Dy nakasalalay na ito sa Department of Justice at sa ICI kung ano ang maaari nilang ipataw. 

Gayunpaman sinabi ni Dy na kailangan talaga niyang bumalik ng Pilipinas sa lahat ng paraan. Dapat siyang managot sa mga isyung kinahaharap niya.

Sa kabilang dako, inihayag ni Speaker Dy na ang prayoridad ngayon ng Kamara ay maaprubahan ang 2026 national budget.