nokor missile
Nokor Missile/ file photo

Kinukumpirm pang mabuti ng mga South Korean officials kung nagpakawala pa ng missile mula sa submarine ang North Korea.

Base kasi ulat ng South Korean offiicials, na inilunsad ang missile malapit sa Wonsan port.

May layo ito ng 450 kms at umabot ang taas sa 910 kms bago ang pagtama nito sa Sea of Japan.

Kinondina naman kaagad ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pangyayari at sinabing isang paglabag sa United Nations Security Council resolution na nagbabawal sa North Korea na gumamit ng ballistic missile technology.