-- Advertisements --
Nakatakdang magpadala ang North Korea ng ilang libong mga manggagawa sa Russia.
Ayon kay Russian Security Council Secretary Sergei Shoigu na layon nila ay para tumulong sa pagpapatayo ng Kursk region na nasira dahil sa labanan nila ng Ukraine.
Personal nitong nakausap si North Korean lider Kim Jong Un at nagbigay ito ng katiyakan sa pagtulong.
Magugunitang inakusahan na rin ng Ukraine ang North Korea na nagpapadala ng mga armas at mga sundalo nito sa Russia para sila ay kalabanin.