-- Advertisements --
Ipagbabawal na sa South Korea ang mga nagaganap na year-end parties at ilang mga music lessons.
Kasunod ito ng ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Kasamang isasara din ay ang mga public saunas at mga cafes.
Ayon sa datus ng Korea Disease Control ang Prevention Agency na mayroong bagong 450 bagong impeksyon at mahigit 500 na kaso ang naitala sa tatlong araw na magkakasunod.
Dumepensa naman si Prime Minister Chung Sye-kyun na ang nasabing paghigpit sa mga pagtitipon ay isang malaking tulong para mapigilan ang transmisyon ng virus lalo na sa kapital city na Seoul.
















