-- Advertisements --

Sinagot ng South Korea ang ginawang missile launch ng North Korea.

Unang nagpakawala ang North Korea ng 23 missiles.

Tumama ang mga ito sa 60 kilometers ng karagatan ng Sokcho City.

Gumanti naman ang South Kore sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga warplanes at nagpakawala pa ng tatlong air-to-ground missiles sa demarcation line.

Iginiit ng North Korea na ang kanilang hakbang ay bilang kasagutan sa large-scale military exercises na ginagawa ng US at South Korea.

Nauna nang sinabi ng North Korea na gagawa sila ng mas mabigat na hakbang kapag hindi itinigil ng US ang ginagawa nilang military drill kasama ang South Korea.

Ang palitan ng probokasyon ng dalawang magkaribal na bansa ay lalo ngayong nagpapataas ng tensiyon sa Korean Peninsula.