-- Advertisements --

Naniniwala si Senator-elect Vicente Sotto na epektibo pa rin ang pag-endorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. gayong anim sa 11 kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang nakapasok sa Magic 12. 

Ayon kay Sotto, hindi madali para kay Pangulong Marcos ang magendorso lalo na galing ang mga tumatakbong senador sa iba’t ibang partido. 

Giit pa ng dating senador, maraming isyu ang nakaapekto sa eleksyon hindi lamang basta ang pag-endorso ng pangulo at ng iba pang makapangyarihang pangalan sa pulitika. 

Sa palagay din ni Sotto maganda ang komposisyon ng Senado sa loob ng 20th Congress na pinagsamang datihan at mga bagong pasok o nagbabalik Senado. 

Gayunpaman, hindi na nasurpresa si Sotto sa resulta ng halalan kung saan nasa ika-8 pwesto siya ngayong May 2025 midterm elections.