-- Advertisements --
Nagbabala si Senate President Vicente Sotto III laban sa mga politiko gumagamit ng mga vaccine infomercials.
Sa halip na kaaliwan ng publiko, sinabi ni Sotto na posibleng mas mainis pa nga aniya ang taumbayan sa mga politikong ito.
Maari aniyang may maniniwala sa mga politikong ito, subalit mayroon din aniyang papalag dito.
Nauna nang iminungkahi na maglabas ng “joint public services announcement” sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo para mapalakas ang kumpiyansa ng pibliko sa kaligtasan ng COVID-19 vaccines.
Pero ayon kay Sotto, ipaubaya na lamang ang mga atleta o mga kilalang personalidad ang trabahong ito.
Kasi kung mga politiko pa ang gagawa nito ay maaring sabihin ng publiko na publicity lamang ito.