-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Suportado ng karamihan sa mga kongresista ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang enhanced community quarantine dahil pa rin sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela 1st District Rep. Tonypet Albano, sinabi nitong karamihan sa kanilang mga kongresista ay naniniwalang premature ang April 12 lifting ng enhanced community lockdwon sa Luzon.

Paliwanag ni Albano kailangan muna na magsagawa ng mass testing bago tuluyang alisin ang lockdown.

Mahalaga aniya ito upang sa gayon magkaroon ng sistema sa pagtukoy ng mga nahawa sa COVID-19.

Ayon kay Albano, mahirap na magpakampante ang pamahalaan at alisin ang lockdown kung wala pang naisasagawang mass testing.