-- Advertisements --

Tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia sa publiko na magpapatuloy ang botohan kahit na magkaroon ng kalamidad. Kasunod ito ng naitatalang low pressure area sa loob ng bansa ngayon na nagdadala ng malawakang pag-ulan.

Bagaman, magpapatuloy ang halalan sa kabila ng mga pag-uulan, sinabi rin ni COMELEC Chairman Garcia, na may option naman ang poll body na ipagpaliban ang halalan kung talagang malubhang maapektuhan ang polling precinct.

Target pa rin ng komisyon na wala sanang mangyaring postponement ng botohan sa Mayo 12.