Nasa Pilipinas Ngayon si South Korean President Yoon Suk Yeol para sa kanyang state visit sa Pilipinas na nagkataong kasabay ng 75th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.
Bahagi ng state visit ng South Korean leader ay ang kanilang magiging pagkikita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacang pasado alas-9:00 ngayong Umaga.
Kasama rin sa naka line up na activity ng Presidente ng South Korea ay ang kanilang bilateral meeting ng Chief Executive.
Ilang agreement din sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea ang ipe- presenta habang mag- iisyu din kapwa ng kani- kanyang statement ang dalawang Presidente bilang bahagi ng programa.
Hindi rin mawawala ang State Luncheon na inihanda sa bisitang South Korean President na gagawin sa ceremonial hall ng Palasyo.
Inaasahan namang mapag- uusapan ng dalawang lider mamaya Ang may kinalaman sa political, security, defense cooperation, maritime issues, economic development at uspain ng labor.