BUTUAN CITY – Bumisita kaninang umaga si Philippine National Police Chief, Police General Nicolas Torre III sa burol ni late Patrolman Ferry Sida Jaso, miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit-Dinagat Islands.
Pumunta siya sa tahanan ng naturang pulis sa Barangay San Francisco, sa bayan ng Mainit, Surigao del Norte upang personal na magbigay ng respeto at pakikiramay sa naiwang pamilya nito.
Kasama niyang bumisita si PNP Chief Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, PBGEN Christopher Abrahano — dating Regional Director ng Police Regional Office 13 at ngayo’y bagong CIDG Director — at mga miyembro ng PRO-13 Command Group sa pangunguna ng bagong Regional Director na si PBGEN Marcial Mariano Magistrado IV.
Ang pagbisitang ito ay tanda ng pagpapakita ng mga opisyal ng kanilang walang hanggang suporta, hindi lamang sa kanilang mga tauhan kundi pati sa mga pamilyang iniwan ng mga ito.