-- Advertisements --

Muling maghaharap ang Gilas Pilipinas kontra sa koponan ng Australia sa gaganaping laro ngayong gabi, quarterfinals ng 2025 FIBA Asia Cup.

Ito ang unang pagkakataon na kakaharapin muli ng pambansang koponan ang Australia Boomers matapos ang naganap na laban noong 2018.

Kung saan maaalala na nagkaroon ng hindi magandang tagpo ang dalawang basketball team dahil sa gulong nangyari.

Nagkaroon kasi ng pisikalan sa pagitan ng mga manlalaro ng Gilas at Australia noong 2019 FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers na ginanap sa Philippine Arena.

Bunsod nito’y tiwala si Coach Tim Cone ng Gilas Pilipinas sa kanyang mga players na maganda ang ipapakita nitong laro sapagkat aniya’y sapat naman ang araw o oras na sila’y nakapagpahinga.

Kasunod ng big-shot ni Gilas player Justin Brownlee sa naganap na laro kontra Saudi Arabia, umaasa si Coach Tim Cone na madadala ang ganitong magandang ‘momentum’ sa magaganap na laban ngayong gabi.

Aniya pa niya’y ‘excited’ siya sapagkat kanyang ibinahagi na ito ang unang pagkakataon bilang coach na kakaharapin niya ang Australia.

Samantala ikinalungkot naman ni Coach Tim Cone ang sinapit na injury ng Gilas player na si CJ Perez kung saan idinala pa ito sa ospital.

Ngunit sa kabila nito, kanyang sineguro naman na kanilang gagawin ang lahat upang manalo kahit sila’y nabigla na napaagang kakaharapin ang kalaban na koponan.