-- Advertisements --

Hawak ngayon ni Portuguese soccer superstar Cristiano Ronaldo ang titulong kauna-unahang bilyonaryong manlalaro.

Ayon sa Bloomberg Billionaires Index, na mayroon itong tinatayang yaman na aabot sa $1.4 bilyon.

Matapos kasi ang paglipat nito sa Saudi Pro League noong Enero 2023 ay naging highest-paid player sa kasaysayan ng palakasan na mayroong taunang sahod na $200 milyon.

Nitong buwan ng Hunyo 2025 ay pumirma ang 40-anyos ng panibagong dalawang-taon na kontrata sa Saudi team kung saan may kita ito ng $400 milyon sa tax free earnings.

Bukod sa kita sa paglalaro, five-time Ballon d’Or winner ay pumirma ng ilang endorsement mula sa iba’t-ibang mga malalaking kumpanya.