-- Advertisements --
Nalusutan ng San Miguel Beermen ang TNT 110-95 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Cjay Perez na nagtala ng 33 points sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nagdagdag naman ng 13 points, 17 rebounds si June Mar Fajardo habang mayroong 12 points si Don Trollano at 11 points naman si Jericho Cruz para sa Beermen.
Hawak pa ng TNT ang 14 points na kalamangan sa second quarter hanggang makabangon sila third quarter.
Lumubo pa sa 27 points ang kalamangan ng Beermen sa third quarter hanggang hindi na pinahabol ang TNT.
Hindi naman umubra ang ginawang 18 points ni Jordan Heading at 16 points ni Calvin Oftana.















