Patay ang isang skydiving instructor at ang kliyente nito matapos ang pagtalon nila mula sa eroplano sa Australia.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, nasawi ang dalawa sa Gouldburn matapos na nahirapan silang buksan ang parachute.

Natagpuan ang bangkay ng dalawa malapit sa runway ng paliparan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa nasabig insidente.