-- Advertisements --
Tiyak na ang pagbabalik sa laro ni Philadilphia 76ers star Ben Simmons matapos na gumaling na ito mula sa kaniyang injury sa likod.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan at may caption ng kahandaan para sa pagbabalik.
Sinamantala niya ang paghinto ng mga laro ng NBA dahil sa coronavirus pandemic para siya ay makapagpahinga.
Natamo nito ang injury sa likod noong Pebrero 22 ng hindi maganda ang pagbagsak nito sa laban nila ng Milwaukee Bucks.
May average ito na 16.7 points , 7.8 rebounds at 8.2 assists.