Naranasan ang abot dibdib na tubig-baha sa ilang kalsada sa Metro Manila bunsod ng malalakas na pag-ulan dulot ng pinaigting na hanging habagat.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Quezon, naitala ang abot-dibdib na baha o katumbas ng 45 pulgada ng tubig-baha ang mga sumusunod na lugar kaninang maga-alas-siyete ng umaga ngayong Lunes, Agosto 10:
Barangay Bagong Silangan
-USNA Compound; New Greenland; Bonifacio;
Barangay Dona Imelda
29,42,48 Kapiligan (Looban, Tabing Ilog)
Barangay Apolonio Samson
-Geraldine corner Antonette Parkway Village HOA
Naitala naman ang abot-beywang o 37 pulgadang tubig-baha sa ilang lugar sa Barangay Bagong Silangan, Barangay Apolonio Samson, at Barangay Tatalon.
Naranasan naman ang tire deep o abot gulong na pagbaha sa ilang lugar sa Barangay Sienna, at Barangay Doña Imelda.
Abot-kalahating tuhod ang lalim naman ng bahang naitala sa ilang kalsada sa Barangay Santol, at Barangay Mariblo habang ankle deep o siyam na pulgadang tubig-baha ang naranasan sa Barangay Sto. Domingo at gutter-deep naman sa ilang kalsada sa Barangay St. Cruz, Barangay Sienna at Barangay Tatalon.
Naitala naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pagbaha sa ilang kalsada sa lungsod ng Maynila, Pasay, Valenzuela, at Parañaque.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang mga motorista mag-ingat at maging alerto sa gitna ng maulan at binahang kalsada upang maiwasan ang anumang untoward incident.
















