sixers
-- Advertisements --

Tinambakan ng Philadelphia Sixers ang New Orleans Pelicans, 117-97.

Tulad ng inaasahan hindi pa rin nakalaro ang kontrobersiyal na Sixers forward na si Ben Simmons na sinuspinde ng isang game sa gitna na rin nang iringan sa kanyang team dahil sa pagpipilit na mailipat sa ibang koponan.

Sa panig naman ng Pelicans, hindi nakalaro ang kanilang star power forward na si Zion Williamson dahil sa nagpapagaling pa sa injury.

Nagsama ng puwersa para sa 76ers sina Joel Embiid na may 22 points at 12 rebounds at si Furkan Korkmaz na nagpasok ng apat na 3-pointers sa fourth quarter para magposte ng kabuuang 22 points.