Reading Time: 1 minute
Claveria Misamis Oriental
Claveria Misamis Oriental

CAGAYAN DE ORO CITY-‘Wounded in action’ ang isang sundalo sa nagpapatuloy na ‘running gun battle’ sa pagitan ng militar, pulisiya at rebeldeng NPA sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental.

Ito’y matapos inatake ng mga rebelde ang Sitio Algonon, Brgy. Mat-i sa nasabing bayan nitong Biyernes ng umaga.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Misamis Oriental Police Provincial Office spokesperson Police Lt. Princess Enriquez na aabot sa 40 rebelde ang umatake sa lugar na nagresulta sa pag-panic ng mga residente doon.

Mabilis namang naka-responde ang pwersa ng 58th IB,Philippine Army at pulisiya kung saan hanggang ngayon nagpapatuloy pa ang bakbakan.

Ayon kay Enriquez, isang sundalo ang nasugutan sa ingkwentro habang inaalam pa kung may namatay o nasugatan sa panig ng mga rebelde.

Sa ngayon, pinaigting ng militar at pulisiya ang checkpoints sa lahat ng entry at exit points sa probinsiya upang maseguro na hindi makatapos ang mga miyembro ng makaliwang grupo.