Rod Stewart
Rod Stewart/ FB image

Ibinunyag ng beteranong singer na si Rod Stewart na matagumpay itong gumaling mula sa prostate cancer na kaniyang dinanas ng tatlong daan.

Sa kaniyang talumpati sa fundraising event para sa Prostate Project at European Tour Foundation charity sa Surrey, England, na idineklara na itong gumaling na sa sakit noong Hulyo.

Mas minabuti na niyang huwag na itong ipaalam na patuloy itong nagpa-diagnose mula pa noong 2016.

Hinikayat niya ang mga kalalakihan na regular na magpa-prostate check para maagang makita ang nasabing sakit.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng 74-anyos na beteranong singer ay ang “I Don’t Want To Talk About It” , “Maggie Day” at maraming iba pa.

Ayon sa World Health Organization na pang-apat sa buong mundo ang prostate cancer na kadalasang nada-diagnose na mayroong 1.3 million kaso noong 2018.