-- Advertisements --

Nagsimula na ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas ngayong araw.

Ito ang inanunsyo ng Pagasa, matapos ma-monitor ang limang araw na tuloy-tuloy na buhos ng ulan sa iba’t-ibang parte ng ating bansa.

Sinasabing nakaapekto ang pagpasok ng bagyong Dante para mapabilis ang pag-uumpisa ng “rainy season” sa ating bansa.

Dahil dito, nagbabala ang Pagasa na posibleng makaranas ng higit sa normal na buhos ng ulan sa mga darating na linggo at buwan.

Pero maaari ring magkaroon ng paminsan-minsang mainit na panahon, kapag naitatala ang “monsoon break.”

“The passage of Tropical Storm Dante and the occurrence of widespread rainfall monitored by PAGASA in the last five days for areas under Type I climate confirm the onset of the rainy season. Intermittent rains, associated with the Southwest (SW) monsoon will continue to affect Metro Manila and the western section of the country.
The probability of near to above normal rainfall conditions is high in the next two months (June-July). However, breaks in rainfall events (also known as monsoon breaks), which can last for several days or weeks, may still occur,” bahagi ng abiso ng Pagasa.