-- Advertisements --

Naiwasan ni dating NBA star Shawn Kemp na manatili sa kulungan matapos siyang sentensiyahan ng 30-day electronic home monitoring dahil sa kinakaharap na kasong second-degree assault.

Nitong buwan ng Mayo nang arestuhin ang dating NBA player at matapos ang ilang serye ng hearing ay inilabas ng Pierce County Superior Court ang desisyon.

Maliban dito, kailangan ding pagsilbihan ni Kemp ang isang taon na community custody, kasama ang 240 hrs ng community service.

Kung babalikan sa mga nakalipas na hearing, inamin ni Kemp ang pagkakasangkot niya sa kasong second-degree assault matapos niyang paputukan ang dalawang lalake sa isang mall sa Washington.

Depensa ni Kemp, ito ay isang uri ng self defense at gumanti lamang siya dahil naunang nagpaputok ang dalawang lalake.

Si Kemp ay isang six-time NBA All-Star at naging bahagi ng Seattle SuperSonics mula 1993 hanggang 1997.

Lumipta siya sa Cleveland Cavaliers noong 1997 at nagtagal hanggang 2000.

Nagretiro siya noong 2003 kasama ang Orlando Magic.