-- Advertisements --

Pinili ng San Antonio Spurs bilang No. 2 overall pick ang Filipino-American guard na si Dylan Harper sa 2025 NBA draft.

Si Harper ay naglaro ng college basketball sa Rutgers Scarlet Knights at isa sa mga top player ng 2024 class. Siya ay isang five-star recruit bago tuluyang pinili bilang 2nd overall ngayong araw, June 26, 2025.

Sa kaniyang paglalaro ng basketball sa loob ng ilang taon, hawak niya ang 19.4 points per game sa loob ng 32.6 mins na pananatili sa hardcourt.

Nagagawa rin niyang umagaw ng 4.6 rebounds per game, habang umaabot sa apat na assists ang nagagawa niya tuwing naglalaro.

Hawak din ni Harper ang 1.4 steals per game at .6 blocks per game.

Sa kasalukuyan, siya ay may taas na 6 ft 6 in at naglalaro bilang point guard at shooting guard.

Siya ay anak ng dating NBA player na si Ron Harper na dating nakapagbulsa ng limang NBA championship.

Ang kaniyang ina ay mula sa probinsya ng Bataan at dating naglaro ng college basketball sa New Orleans.

Makakasama ni Harper ang bagitong sentro na si Victor Wembanyama, isa sa mga rising star sa NBA.

Bahagi rin ng San Antonio lineup ang mga batikang guard na sina Chris Paul at De’Aaron Fox, kasama ang power forward at NBA champion na si Harrison Barnes.