Target ng Indiana Pacers na ibulsa ang Game 5 upang iposte ang 3-2 lead laban sa Oklahoma City Thunder.
Ito ay sa kabila ng homecourt advantage ng Thunder habang hawak ang momentum mula sa Game 4 win sa Indiana.
Sa isang panayam kay Pacers center Myles Turner, binigyang-diin niyang hindi magiging hadlang sa Indiana ang posibleng galit na fans ng OKC, kasabay ng nakatakdang G5.
Sa katunayan aniya, ito ang isa sa pangarap ng mga NBA player – ang makapaglaro sa homecourt ng kalaban at gumawa ng makasaysayang panalo.
Giit ng bigman, isa sa mga pangunahing taktika susundin ng koponan ay ang maayos na koordinasyon. Tiyak aniyang magiging mahirap ang laban ngunit siniguro niyang makikipag-bakbakan ang Pacers para mai-uwi ang panalo.
Sa kasalukuyan, naitabla ang serye sa 2-2 kung saan, kapwa nagbulsa ng tig-isang panalo ang dalawang koponan sa homecourt ng bawat isa.
Pagkatapos ng G5, babalik muli sa Indiana ang G6.