Reading Time: 1 minute
Simmons
Simmons/ IG post

Pumirma na ng $170 million five-year extension contract sa Philadelphia 76ers si Ben Simmons.

Ito mismo ang kinumpirma ng agent ng Sixers point guard na si Rich Paul.

May average na 16.9 points, 8.8 rebounds, 7.7 assists at 1.4 steals ang 23-anyos na manlalaro.

Naging bahagi ito ng sa unang pagkakataon sa All-Star team noong 2018-19 season.

Nakuha nito ang No.1 overall pick noong 2016 NBA Draft at nanalo ang 6-foot-10 Australian native ng NBA Rookie of the Year honors noong 2017-18.