-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang Algerian singer na si Hamid Cheriet sa edad 70.
Ayon sa kampo nito nalagutan ito ng hininga dahil sa pulmonary disease habang ito ay nasa France.
Nakilala ang singer sa kanta nitong |Vava Inouva” noong 1970.
Nagbigay naman ng tribute si Algerian President Abdelmadjid Tebboune sa singer at tinawag niya itong icon of Algerian art.