Itinaas na ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal number two (2) sa eastern portion ng Surigao del Norte at Surigao del Sur dahil sa typhoon Odette.
Habang signal number one (1) naman sa Sorsogon, Masbate, kasama na ang Ticao Island, southern portion ng Romblon, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Guimaras, Agusan del Sur, Agusan del Norte, nalalabing bahagi ng Surigao del Norte, Dinagat Islands, northern portion ng Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, northern portion ng Misamis Occidental at northern portion ng Zamboanga del Norte.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 590 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph o mas mabagal kung ihahambing sa takbo nito kaninang umaga.