-- Advertisements --

Nabuo na bilang isang tropical depression ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Taiwan at pinangalanang Bagyong Salome.

Tinatayang nasa layong 255 km hilagang-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes ang sentro ng bagyong Salome.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h malapit sa sentro, at pagbugsong hanggang 70 km/h.

Kumikilos ito nang patimog-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Tropical Cyclone Wind Signal No. 1:
Batanes
Kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan at Dalupiri)
Hilagang-kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City)

Inaasahang magpapatuloy ang southwestward na galaw ni Salome sa susunod na mga araw.

Posibleng dumaan o mag-landfall ito sa Batanes sa pagitan ng gabi ngayong araw hanggang madaling araw ng Oktubre 23, 2025.

Maaaring dumaan din sa Babuyan Islands bukas ng umaga, at sa Ilocos Norte sa hapon.

Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Salome sa hapon o gabi ng Oktubre 24.

Bagamat inaasahang mananatiling tropical depression, hindi isinasantabi ang posibilidad ng bahagyang paglakas nito bilang tropical storm bago hihinang muli sa araw ng Biyernes.