-- Advertisements --
obet 11pm

Itinaas na ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang signal number 1 sa ilang lugar sa Luzon habang papalapit ang pag-landfall ng tropical cylone.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim na ng tropical cyclone wind signal No. 1 ay ang Batanes, Babuyan Islands, at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).

Una rito, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 805 km east ng extreme Northern Luzon (20.5°N, 129.7°E).

Taglay pa rin ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 45 km/h malapit sa gitna at merong pagbugso ng hangin na umaabot sa 55 km/h.

Patuloy pa ring tinatahak ng bagyo ang direksiyon na west southwestward kung saan bahagay itong bumilis sa 15 km/h.

Ayon naman sa Pagasa, posibleng itaas pa nila ang signal No. 2 sa mga lugar na dadaanan ni “Obet.”

Sa forecast pa inaasahang lalakas pa ang bagyo na magiging tropical storm category bukas ng gabi o kaya Sabado ng madaling araw sa pagdaan nito sa kalupaan sa Luzon.

“Tomorrow early morning through Saturday morning: Moderate to heavy with at times intense rains possible over Babuyan Islands, Ilocos Norte, Apayao, and the northern portion of mainland Cagayan. Light to moderate with at times heavy rains possible over Batanes, the northern portion of Ilocos Sur, Abra, Kalinga, and the rest of mainland Cagayan. Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities with significant antecedent rainfall,” bahagi pa ng abiso ng Pagasa.

“Prior to the arrival of tropical cyclone rainfall, the shear line may bring at times heavy rains over Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Apayao, and Ilocos Norte in the next 24 hours…. Throughout the passage of OBET, strong winds (strong breeze to near gale strength) may be experienced within any of the areas where Wind Signal No. 1 is hoisted. Furthermore, the highest possible wind signal that may be hoisted during the passage of OBET is Wind Signal No. 2. Prior to onset of tropical cyclone winds, prevailing northeasterly surface windflow will continue to bring strong to gale-force winds over Batanes, Babuyan Islands, and the northern portions of mainland Cagayan, Apayao, and Ilocos Norte in the next 24 hours.”